Na-Gondar sa MIT bookstore dre

Dati di pa ko masyado naniniwala nang may nagsabi sakin na isa sa cashier sa bookstore ay nagpapatong. Pero kanina napatunayan ko totoo to. Bumili kasi kami ng libro, sabi nung helper dun mga 290 lang daw yun. Yung isang kablock namin dun sa kabilang counter nagbayad humingi sya ng resibo, 325php lang siningil sa kanya. Kami naman 3 dun sa isa nagbayad, humingi ako ng resibo pero di ako binigyan, 350php siningil samin. Triple kill agad eh. Buti na lang may resibo talaga yung kablock namin at nireklamo namin na 325 lang yun bakit 350 siningil samin. Sabi pa nga nung isang babae na baka nagkamali lang daw eh, pero impossible naman kasi andun naman sa PC yung price eh, bat magkakamali. Ayun binalik nya yung tag-25 naming 3. Naisip ko tuloy, maliit lang ba magpasweldo ang mapua kaya kailangan pa neto mangupit? o talagang malaki ang pangangailangan nya? pero mali parin yun. Daig pa MMDA mangotong eh. 

Kaya kung bibili kayo sa bookstore wag kayo dun sa blonde, or kung sa kanya hingi kayo ng resibo.